Love yourself 

Pag na inlove ka, you also have to be ready to be hurt. There’s no assurance kung kayo hanggang huli. 

So bago ka pa kiligin, bago ka pa mapraning sa pag ibig, bago pa mawindang ang mundo mo sa kaniya, remember to love yourself. 

Kase kapag na hurt ka, mag isa ka lang iiyak…

Are you strong enough? 

May mga moments na iisipin mong may sapi ako sa intense ng mood swings ko. Daig ko pa ang bida sa telenovela sa kadramahan at sa pagiging emo. Iiyak ako, mag eemote tapos pagtatanungin mo kung anong dahilan, ang isasagot ko lang sayo… Wala.. Ok lang ako. 

Gusto ko palagi akong nilalambing. Kapag may sumpong ako aawayin kita.(pero gusto ko lang talaga magpahabol.)

Gusto kong maramdamang ako lang. Wag na wag mong ipaparamdam na hindi ako sapat lalo na kapag binibigay ko ang lahat.

Bigla ako kung magtampo, pero hindi ko sasabihin sayo agad kung bakit. Alam kong hindi ka manghuhula pero ineexpect kong matalas ang pakiramdam mo. Gusto kong suyuin mo ko,  lambingin mo ko.

Wag kang magrereklamo na mainit ang ulo ko palagi. Ibig sabihin lang non, nagkukulang ka sa lambing. 

Gusto kong pagsilbihan mo ko na parang prinsesa.

Pag magagawa mong lahat ng yon, ako ang pinakamasayang babae sa buong universe. 

At kapag masaya ako sayo, hinding hindi ka magsisi na ako ang pinili mong makasama. 

So tell me, kakayanin mo ba akong mahalin? 

Are you strong enough to be my man? 

Feed me your fiction…

How can I not fall for someone like you? Gusto kitang ipagmalaki sa lahat pero hindi pwede…. 

You always make me feel beautiful sa tuwing insecure ako. Palagi mong pinaparamdam na ako lang ang pinakamagandang babae sa paningin mo…. 

Di baleng binobola mo lang ako…

If it’s just a lie, keep lying… Don’t mess with my fantasies… 

Maybe I’m not being honest with myself..dahil kahit na alam kong mali, tinuloy ko pa rin. Oo, aminado ako…I’m a selfish heartless bitch.

Ako na ang kontrabida.

Ako na ang masama.
They can say whatever they want. But I’m not giving up my happiness.
Kung yung happiness na ‘to ay nakalaan lang para sa maiksing panahon, mas mabuti pang namnamin ko na.

Tsaka ko na iisipin yung luhang iiyak ko. Tsaka ko na iisipin kung gano kasakit.

Emoterang Froglet – #Hopya

Alam ko naman na ang paghahangad ko ng forever sayo ay isang ilusyon lang. Pero sa bawat lambing mo, sa lahat ng matatamis na salitang binibitawan mo, nabubuhayan ako ng pagasa. Na baka sakaling sa susunod na bukas, pagbigyan ako ng langit na makasama ka at matawag kang akin

Pero ayoko ng isiping mali ang mahalin kita.. Ayokong isipin na hindi tayo para sa isa’t isa. Tanga na kung tanga, pero mahal na mahal kita. Kahit forever pa, aantayin kita…