@ 32

So, it’s my happy kaarawan today. I’m on leave from work for 3 days… I’m sipping martini relaxing at the beach… Charot. As usual, nakatulog ako at walang nangyari sa unang bakasyon ko. Pero ok na rin at least nakabawi ako ng sleep kaninang hapon. So now, it’s 1am and I’m wide awake. 😶 Night shift pa rin ang katawan ko. I guess I need to adjust my body clock. 

So, ayun nga.. I’m celebrating my 32 years of existence. Kahit hindi ako naging supermodel at sikat na artista (charot), masasabi kong masaya pa rin ako. Una dahil healthy ako. Pangalawa, ang ganda ko. Pangatlo…ay wala na pala. So yun lang. 

Sa pagmunimuni ko nitong mga nakaraang araw, narealize ko na ang boring pala ng buhay ko. Parang Facebook status ko lang….walang masyadong ganap. Hindi ako masaya, pero di naman malungkot. I thought ok na ko sa ganon. Pero, parang hindi ko nararamdamang buhay ako. 

I’m tired of the average life. Ayoko ng “ayos lang” o kaya ng “sakto lang”… 

I want to live an awesome life.

I can’t wait to see my super hot gorgeous sexy self. And yes… I’m going to be in shape again. 

Naririnig ko na ang boses ng kontrabidang self ko.. 

“Sa una lang yan..” 

“Drawing lang yan..”

So, I’m going to kill that b*tch. 

I’ll do everything to keep this high vibration flowing. 

Ang korny pero masasabi kong this is the start of my new journey. And I can’t wait to write that story.  

Emmergerd this is it!!! 
 

Advertisements

Hindi ko masabi sayo… 

Ikaw ang dahilan kung bakit umiiyak ako ngayon. Hindi kita sinisisi. Alam ko naman kung san ako lulugar..Oo nga pala, wala nga pala ko lugar sa buhay mo. Isa lang akong kasangkapan sa laro mo.  

Kasalanan ko din naman to. Naniwala ako sayo..kahit na alam kong kalokohan lang ang lahat. 

Namimiss ko yung mga lambing mo.. Yung lambing mo na parang limited offer..valid lang for a certain amount of time. 

Lam mo kase nabitin ako eh. Yun kase yung kulang sa buhay ko. Yung may kilig factor. Kaso, ang bilis mong nagsawa. 

Wala ng “I love you”… Wala ng “baby”

Bigla ka nalang nanlamig….napapraning ako dahil nararamdaman kong tatapusin mo na…

Pero lam mo kase, di ko pa kaya. Pano ba ibalik yon? May magagawa ba ko? Pwede bang bumalik tayo sa una? Ano bang pwede kong gawin? Kahit ano gagawin ko ibalik mo lang yung dati…. 

Sh*t. Di ako makapaniwalang nagmamakaawa ako ngayon sayo…

Sobrang mahal na mahal kita. Sobrang mahal, nakalimutan kong magtira para sa sarili ko… 

Depresyon

Malala na ba ko? Should I see a doctor? Sabi nila,  everyone goes through this. Lahat nagkakaproblema. But what if hindi ko na kayang pigilan yung lungkot ko? Yung wala ng mapaglagyan ng happy thoughts sa isip ko…

I know, maliit na bagay lang talaga to. Pero sobrang bigat para sakin. Wala akong mapagsabihan. Everyone around me has their own issues..even my cat. 

Parang wala ng pwedeng makinig sakin. Lahat sila busy. Kung meron man, palalalain lang nila nararamdaman ko. All I want is someone who’s willing to listen. Yung hindi ako huhusgahan kung gano kaliit problema ko, kung gano ko kababaw.

I wish there’s someone out there na mauunawaan ang kapraningan ko. Yung yayakapin ako imbes na pagsasabihan. No.. I don’t need advice… I just need someone who can listen…. 😑