Ayoko na sana siyang isipin. Gusto kong magkunwari na wala akong nararamdaman sa kaniya. Sh*t ang drama ko. Kala mo naman the feeling is mutual.. 

Anyway, bakit ba ang hirap kumalma sa tuwing nakikita ko siyang nilalande, este nilalapitan nung haliparot na yun na trainee? Masama nga lang ba talaga ko magisip? O sobrang to the highest level lang ang pagkaselosa ko? 

Selos. Wala nga pala akong karapatang magselos. Hindi naman kami. Hindi naman niya alam na gusto ko siya. At palagay ko, kahit mahalata pa niya, wala siyang pakelam dahil wala naman siyang gusto saken. 

San ba kase nagsimula tong putik na infatuation ko sa kaniya? Di ko naman talaga siya type nung una. I mean, he’s cute, oo, pero I’m just not attracted sa kaniya. Na realize ko nalang na motivated akong pumasok kase masaya akong kasama ko siya. 

Kung choice kong maramdaman tong attraction sa kaniya, pwede bang bawiin? Pinipilit ko namang idistract ang sarili ko pero siya talaga palagi naiisip ko. Oh my gosh! Di kaya kinukulam niya ko? Ginayuma kaya niya ko? 

Ewan. 

Ang alam ko lang sa ngayon, gusto ko siyang makasama sa espesyal na paraan. Pero may nanalo na. Isang ugly na higad. Bwisit na yun. Dinaig pa ko sa pagiging close sa kaniya thinking na katabi ko lang naman ang lalakeng iniibig ko. Siya, konting pa cute kahit di naman cute instant connection na. 

Eh bakit ba napaka bitter ko? Oo masakit dahil hindi ako special gaya ng ina-asume ko dati. Sweet kase siya sa mga nakakasalamuha niya. Na appreciate ko yung pagkuha niya ng pizza para lang saken nung may kaininan sa office. Dinala niya pa sa station ko. Tapos, nung minsang tamad na tamad akong bumili ng lunch, siya bumili para saken. Everyone can do that I know, pero iba talaga pag medyo attracted ka na sa isang tao. Bigla kong naalala na ang lungkot palang maging single. 

Leche kaseng damdamin to. Why am I so weak? Selos na selos ako sa ugly bi*tch na yun. Kung dati wala akong pakelam sa tuwing magla-lunch na siya, ngayon ang sakit sa dibdib dahil naiimagine kong nakikipaglandian siya sa iba. 

Magiisip pa ko ng matinding distraction para lang di ko maramdaman ang presensya niya. Kelangang idaan ko to sa isang matinding meditation. 

Tama. 

Pero sa ngayon, mukang kelangan ko ng bumalik sa cubicle ko dahil over lunch ata ko. 

Till next kwento. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s