Secret Crush

Di pa ko nagpapahinga. Di pa kase ko inaantok. Nag videoke muna ko at nag ala concert sa kwarto ko pangtanggal stress. 

Naalala ko kanina yung touch niya sa back ko bago siya magpaalam umuwi kanina sa office. Medyo, di ko naintindihan yung mga sinabi niya dahil sa earphones ko na naka high volume kase nagpipilit akong maging busy para di ako malungkot sa pag alis niya.. Gusto ko kase, nod and goodbye lang..kunwaring wala lang ang pagalis niya. Kunwaring hindi ko siya mamimiss ng sobra. 

At shempre, eto.. dala ko pa rin sa bahay ang presensya niya. 

Nagcheck ako ng messenger at na excite akong alamin kung para san yung notification. Oo, na.. Hoping ako na baka nagbiro ang universe at naisipang makipagkwentuhan sakin ng crush ko. Pero shempre..isa yung malaking ASA… Isang message lang naman pala galing sa group chat na di ko naman trip basahin. 

Pano ba kase siya tanggalin sa isip ko? Naiinis na ko. Kahit na anong pagkukumbinsi ko sa sarili ko na hindi na tama at OA na tong kadramahan ko, parang sobrang attached na ko sa lalaking yon. 

Buong weekend ko na namang iisipin kung meron din kaya siyang konting feelings para saken? Naiisip din kaya niya ko? Para siyang naka glue sa isip ko at di ko maalis kahit anong pilit ko. Actually, wala pa man ang Monday naiistress na ko dahil may meeting kami lahat. That means kasama ang haliparot na yun. Nakikinikinita ko na ang scenario. Magaapoy na naman ako sa selos at inis. Dahil magkasama na naman sila. Close na close na akala mo magjowa. Bwisit.

Aabsent nalang ako sa lunes at hindi ko ipapaalam sa kaniya para makaganti naman ako. Tutal wala naman siyang pakelam sakin. Bale wala naman kung mawala na ko don at mag resign. 

Hay nako… I guess, isa nalang siyang malaking “what if” sa buhay ko. Walang aminan. I’ll lay my cards if the feeling is mutual. Feeling ko, mamahalin ko siya ng sobra sobra. Dahil yung tipo niyang lalake yung kinababaliwan ko..mabait, family oriented at marami pang good qualities. Kahit di man siya katangkaran, ang gwapo naman niya. Hay nako. Tama na nga to. Lalong lumalalim ang attraction ko sa kaniya. 

Sakit lang kase, obvious na di niya ko type dahil ni di man lang mag initiate ng chat sa messenger kahit na kontodo Active status ako na I don’t usually do. Dun palang alam ko na. 

Kung talagang interesado siya, mangangamusta man lang siya sa messenger at siyempre simula’t simula pa lang hindi na niya ko tatawaging “Te” 

Advertisements

Ayoko na sana siyang isipin. Gusto kong magkunwari na wala akong nararamdaman sa kaniya. Sh*t ang drama ko. Kala mo naman the feeling is mutual.. 

Anyway, bakit ba ang hirap kumalma sa tuwing nakikita ko siyang nilalande, este nilalapitan nung haliparot na yun na trainee? Masama nga lang ba talaga ko magisip? O sobrang to the highest level lang ang pagkaselosa ko? 

Selos. Wala nga pala akong karapatang magselos. Hindi naman kami. Hindi naman niya alam na gusto ko siya. At palagay ko, kahit mahalata pa niya, wala siyang pakelam dahil wala naman siyang gusto saken. 

San ba kase nagsimula tong putik na infatuation ko sa kaniya? Di ko naman talaga siya type nung una. I mean, he’s cute, oo, pero I’m just not attracted sa kaniya. Na realize ko nalang na motivated akong pumasok kase masaya akong kasama ko siya. 

Kung choice kong maramdaman tong attraction sa kaniya, pwede bang bawiin? Pinipilit ko namang idistract ang sarili ko pero siya talaga palagi naiisip ko. Oh my gosh! Di kaya kinukulam niya ko? Ginayuma kaya niya ko? 

Ewan. 

Ang alam ko lang sa ngayon, gusto ko siyang makasama sa espesyal na paraan. Pero may nanalo na. Isang ugly na higad. Bwisit na yun. Dinaig pa ko sa pagiging close sa kaniya thinking na katabi ko lang naman ang lalakeng iniibig ko. Siya, konting pa cute kahit di naman cute instant connection na. 

Eh bakit ba napaka bitter ko? Oo masakit dahil hindi ako special gaya ng ina-asume ko dati. Sweet kase siya sa mga nakakasalamuha niya. Na appreciate ko yung pagkuha niya ng pizza para lang saken nung may kaininan sa office. Dinala niya pa sa station ko. Tapos, nung minsang tamad na tamad akong bumili ng lunch, siya bumili para saken. Everyone can do that I know, pero iba talaga pag medyo attracted ka na sa isang tao. Bigla kong naalala na ang lungkot palang maging single. 

Leche kaseng damdamin to. Why am I so weak? Selos na selos ako sa ugly bi*tch na yun. Kung dati wala akong pakelam sa tuwing magla-lunch na siya, ngayon ang sakit sa dibdib dahil naiimagine kong nakikipaglandian siya sa iba. 

Magiisip pa ko ng matinding distraction para lang di ko maramdaman ang presensya niya. Kelangang idaan ko to sa isang matinding meditation. 

Tama. 

Pero sa ngayon, mukang kelangan ko ng bumalik sa cubicle ko dahil over lunch ata ko. 

Till next kwento. 

Dear Self

If love means a lot more than your dream job, go where your heart is. Go find the man of your dreams! But first, stop and forget “him.”

He’s not into you.

He’s labeling you and that means, you’re not his type. If you cannot take the stress of seeing him everyday, then by all means, get the hell out of there.

End of story.

Get a day job so you can have time for your nightly gigs. Then, set up a work-from-home to secure your income.
Travel solo.

Be friendly.

Be open to everything.

Go find the man of your dreams! He’s also looking out for you.

As the saying from Law Of Attraction:

“What you’re seeking is also seeking you..”

Send that resignation letter now!

He’s out there waiting for you. ☺

WTF inner conversation..

 

Right brain..

You need to calm the f*ck down. Ano ka ba?!
What the hell?! What is this?!
Stop right there.
Don’t you cry.. F*ck you b*tch.. don’t fu*ckin cry. Your tears don’t fall fast. What’s happening to you?
Put your sh*t together.
You got this.

(And so my left brain says..)

But I think I’m gonna die.

It.F*ckin.Hurts.

My heart beats so fast I can hardly breath. I want to cry but I am too shy to let this sh*t fall on my face.

I know, I know.

I shouldn’t cry.. I am not gonna cry here.

No. not here. F*ck no.

(But yeah….a tear trickle down my cheek…)

…And so it happened again.

 

Ang haliparot na yon. Well, I shouldn’t feel this way kase hindi naman din sya kagandahan.. except for the fact that she’s younger .. yun lang meron siya na wala ako. But it doesn’t matter anymore. Coz in this wicked game, ako pa rin ang looser.
Feeling ko ang engot engot ko to feel this way.
Para akong teenager na ngayon lang na in love at nasaktan.
Hindi ko rin naman gusto na sumirkolo lang sa pagibig ang pangaraw-araw kong ganap sa buhay. Ang hirap kaseng magisa.

Tama…

I’m a f*ckin loner.

At yung pagiging loner ko, malamang eto ang malaking check sa katanungan ko kung bakit hindi ko pa nakikilala si Mr. Right.
Sure, I am friendly but I am not really sociable.

I am a hombebuddy…and my room is my sanctuary.

Whatever. I guess, what I’m just trying to say is…I need to have an active social life.

Wait…oo nga pala.

I don’t even have one.

 

Unidentifiable Topak

So, eto na naman ako parang baliw na mag aadvice sa sarili. Medyo kakaiba kase yung level ng kapraningan ko lately. And it all boils down to one reason..ang maharot kong iniibig na si (insert name here) 

Sa tagal ng panahon, ngayon lang uli ako nagkaron ng ganitong katopakan. Ang hirap kase magpigil ng feelings. Araw araw ko siyang nakakasama sa trabaho. Araw araw akong natotorture ng saya, lungkot at inis. 

Ang alam ko crush na crush ko siya. Kaya sa tuwing nagbibiruan at nagkukwentuhan kami eh feel na feel ko. I got carried away. Sobrang intense ng pagkagusto ko sa kaniya, naattached ako. 

Yung pangyayari na yon ang nagtrigger ng pagkayamot ko sa kaniya…the time when I saw him flirting with the new girl. Ni hindi ko nga alam if he’s really trying to be friendly or sadyang malandi lang talaga siya. Ang alam ko lang, sobrang nasaktan ako nung binati niya yung girl at kinausap na parang may spark sa mga mata niya. At halos mahimatay na ko nung lumapit yung babae at naguusap sila na parang may namumuong romansa sa gestures nila. Feeling ko ng mga moment na yun aatakihin ako sa puso dahil parang sasabog ang dibdib ko. Yung halos lumabas na puso ko sa sobrang pagtibok. Ayokong aminin yun sa sarili ko until I confronted my inner freak and gave that feeling a name…  “Selos..”

Dafuq. Ang tagal ng panahon akong nakaramdam ng pagkanibugho sa isang lalake. Hindi ko alam kung may kasamang ego ang selos ko na to. 

Pakiramdam ko kase, that senario was a slap to my fantasies. I can imagine everyone saying these words mentally “..yan kase, kala mo merong gusto sayo. Ano ka ngayon? Di ka pala niya bet..asyumera ka kase…” 

And that jealousy turned me into a monster. I shut myself down on him. For some crazy reason, I unblocked him on Facebook. Siguro by now, nadiscover na niya na we’re no longer friends on FB… At ngayon nga, sobrang cold ko na sa kaniya. I mean, kinakausap ko naman pero hindi na kagaya noon na may halong saya at ngiti sa tuwing naguusap kami. Nawala na yung personal na kwentuhan. It’s just purely professional nalang. 

Siguro, dito ko nalang sasabihin. My feelings for him is somewhere between infatuation and love. Ang babaw para tawaging “gusto” at sobrang lalim kung tatawging “love”. Ang alam ko lang mahalaga siya sakin. Gusto ko siyang mahalin. I want to get to know him more. Gusto ko syang makasama in a special way. 

So pano na to? Hindi ko kinakaya yung mga nakikita ko. Binabagabag ako ng isip ko kase alam kong marami siyang activities sa life. Ang sakit to know that I am not special pala. Ang sakit dahil malayo na narating ng ilusyon ko sa kaniya. Worst, sa tingin ko in love na ko sa kaniya. 

I’m  a control freak. Natatakot ako na baka kung anong kagagahan ang ikilos ko kapag nasaksihan ko na naman ang maharot niyang pakikitungo dun sa bagong naming ka-opisina. I might lash out and burst with tears. Yikes!!! Nakakahiya sa edad ko. I’m 32. At ang lalakeng napupusuan ko is only 22.. 

Considering the age gap, para akong teens kumg umasta ngayon. Namumrublema sa ganitong bagay. Ang hirap pa nito, I have no one to talk to. Kaya eto, sobrang haba na ng nasusulat ko. 

So what should I do. Hindi ako magaling sa pagtago ng feelings. Pero kelangan kong kumalma. I need to be mature. Wala kong choice. Ang tanda ko na noh. 

May the Lord help me. This is it. Tapos na lunch ko. Have to go back. Till next kwento. 

Advice para sa mga asyumera (like me)… 

You don’t have to look for signs if he’s into you or not. Minsan, you just have to start appreciating yourself. Don’t let them keep you hanging. Why spend time thinking if he likes you or not? If you want to know, then ask him. Kung ayaw mong tanungin siya then stop and forget it. Ain’t worth your time.

Mahirap maging emotionally attached sa isang lalake specially kung hindi ka sure kung special ka nga talaga sa kaniya. Wag ka na magsayang ng effort para lang i-validate yang assumptions mo. Kung matinong lalake ang pinupusuan mo, he’ll tell you straight to your face that he likes you. Wag kang papayag na puro paramdam lang. 

If the feeling is not strong, it will not last. 

Dun ka na sa guy na willing i-give up pati na ang ego niya just to fight for his feelings. If a man has a genuine love for you, hindi ka niya paasahin. Ganon ka kahalaga sa kaniya. Fixed na ang puso niya para lang sayo. 
So kung hindi ka niya kayang pahalagahan at kung hindi niya kayang ipaglaban ang feelings niya para sayo…he’s not worth it. 

Wag mong pairalin ang maling akala. 

Shattered notion

So, what on earth are you thinkin’? Brokenhearted ka na nga, makikinig ka pa ng sad songs? Do you really have to drown yourself in sorrow? Para saan? Para kanino?
For him?
Look, accept the fact that he’s not into you.

He’s.Not.In.To.You.
Do I have to spell it out for you?
You’re not stupid. Or maybe you are dahil hirap na hirap kang tanggapin ang mga bagay bagay.

He doesn’t like you as much as you do.

Ano to? Lumalaki ka bang paurong? You’re not a teenage girl. If he’s into you, then he’ll show you. Wag mong bigyan ng meaning lahat.

Wag kang asyumera.

Mahilig lang talaga siyang magpa-cute. Malandi lang talaga siyang lalake that’s all.

And you don’t deserve a guy like him.

So why do you have to sabotage yourself?
You shut yourself down and then what? For what?
Dahil masakit?
Ano ba naman, be mature enough to handle your emotions. Ano, gusto mo lahat makukuha mo?

It doesn’t work that way.

Lam mo, you really have to move on. It’s not helping you at all. It’s not worth loosing your peace of mind. Kelan mo ba matutunan na ma-aapreciate ang sarili mo?
You’re fuckin insecure.

Stop.

Don’t you ever think that you are not enough.

He’s not the only guy in the world. Wag mong limitahan ang sarili mo dahil lang jan sa stupid feelings mo na walang namang substance.
I don’t have to repeat this but for cryin out loud…

He’s not into you.

Stop feeding your fiction.

Stop thinking about him. He’s not even thinkin about you.

 

Here I go again..

…making babad on Social Media just to make time lipas coz I’m so sad and bored like I wanna make laslas but it’s messy and so ouchy, kaya I’ll just post nalang here and vent para iwas praning mode coz I can’t take it anymore like I’m gonna go baliw right now. Really. Promise.

And so I’m back from outer space…

Ang tagal ko na pa lang walang imik. Took me 4 months bago makapag-post ulit. Sobrang busy kase ako dahil nag-focus muna ako sa pagiging successful. Cheret…

Ang totoo talaga niyan, sobrang daming nasa isip ko at nakalimutan ko na yung ibang ginagawa ko.

After ng 32nd birthday ko, naging busy ako sa kaka-contemplate sa kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Na-realize ko na kelangan ko ng isang simple, pero meaningful change sa life…

So far, medyo happy ako sa takbo ng weight loss journey ko. I am so proud of myself. I lost 20lbs. (And I’m not joking..) So now, maraming pang goals ang gusto kong ma-achieve. Gusto kong, magpaganda at magpayaman. At kung sakaling in process non eh hindi siya dumating, I’ll find him…